Image hosted by Photobucket.com

Saturday, July 08, 2006

Hospital Day

Went to the hospital today. Sobrang sumakit ang tyan ko to the point na nagsuka na ko. Mangiyak-ngiyak na tlga ako, tinawagan ko si ian para magpasama.

------

Sa ospital, ang ganda nung nurse, mabait ung lalaking doktor. They took my temperature, blood pressure, and respiratory chuva (d ko alam kung anong tawag dun). I also had urinalysis and blood test. Sabi nang doktor, nag-originate ang sakit ng tyan ko dahil sa UTI ko... grabe, naisip ko, may kinalaman pa rin pala un sa pagkakaroon ko ng UTI... recurring kasi ung sakit ko na un at tinigil ko na ang pag-inom ng Inoflox... ang dami kong bibilhing gamot... ang mahal.

------

We went to Raon. Kailangang bumili ni ian nang mga gamit nila for thesis. Naisip ko na hindi talaga pwede na hindi ka gumastos para sa thesis. Nahihiya tuloy ako kay ian. Kasi sya na nga ang nagbayad nang kulang ko sa tuition, sya pa ang nagbayad ng tests na tinake ko kanina sa ospital... May pera naman ako pero mas pinili ko pa na ibili ng mga dvds sa quiapo.

------

Bago kami bumili ng mga pekeng dvds, kumain kami sa Ma Mon Luk Restaurant. Ang sarap ng mami nila.. kaya naman sila sumikat talaga. Ang cute kumain dun. Naiisip ko kanina, para akong bumalik sa lumang quiapo. Sayang talaga at nagbago na ang lahat. Gusto kong makita kung ano ang hitsura ng quiapo noon. Or nang buong Pilipinas for that matter. Sigurado, ang sarap ng buhay noon dahil napakasimple ng dating.

------

Bibili pa ko ng gamot. Pero tomorrow na. Walang pera ang nanay ko. D nga nya alam na nagpunta ako ng ospital. Nalaman lang nya dahil sinabi kong bibili ako ng gamot. Ewan ko kung bakit ayaw ko talagang sabihin dito sa min. Si ian tuloy ang napeperhuwisyo.

------

Ang daming nangyari ngayong araw na to. Natuwa na rin ako dahil hindi ko pinakinggan ung takot na nararamdaman ko tuwing naiisip ko na kailangan kong magpunta ng ospital. Wala naman palang dapat ikatakot.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home