Just an ordinary day...
MOOD: hot...
LISTENING TO: Eraserhead's Maling Akala
Alam nyo kung bakit hot ang pakiramdam ko ngaun? DAHIL PO SA KINAKAIN KONG CENTURY TUNA HOT 'N SPICY SAKA SKYFLAKES!!! hehe... ayan tuloy, i got curious... sino kaya ang nakaisip na ipalaman ang hot and spicy tuna sa skyflakes? ang sarap e. hehe... siguro alcoholic ang nakaisip nyan kasi nga masarap tong pulutan diba? hahaha...
eniwey, wala namang nangyari ngaun... ay meron nga pala.. Ian and I went to my high school alma mater hehe.. foundation day kasi dun ngaun. right now merong concert dun ng Parokya Ni Edgar... tomorrow is the alumni homecoming.. pupunta mga high school classmates ko e pero i think i'll pass.. I'll devote my time with Ian naman... palagi kasing sila yung napipili ko tuwing nagkakasabay ang mga plans between them... I feel as if i owe it to him... And syempre i really do want to spend my time with Ian tomorrow...
Balik sa alumni homecoming... Medyo nakakatuwa nga na ung batch '81 is preparing for their jubilee homecoming next year so early (since 2000 pa daw).. Kaya nga 150 of them is sigurado na yatang pupunta. And take note, talagang hinanap yata nila dahil uuwi yata kahit nasa ibang bansa na just for the event.. Sana sa batch namin ganun din ang mangyari. Sabagay, 2026 pa ang sa min e.. We got lots of time hehe..
And nakakatuwa pa dahil sabi daw, sila din ung batch na nagkaroon ng first section sa fourth year na umakyat lahat sa stage to receive their merit cards. Ganun kasi sa notre e.. pag ang average mo is 80%-85%, third honor ka (certificate lang to ha); pag 85%-90%, second honor, and syempre, 90% pataas, first honor naman.. ung section lang naman namin batch 2001 ang nakaakyat din lahat after nila... after 20 years, kami naman.. astig no? at ehem.... first honor yata ang inyong yours truly! ahahaha!!Ü -- bihira mangyari un kaya pagbigyan nyo na ko. :D
ayan ubos na ung kinakain ko... wait lang ligpitin ko lang tong pinagkainan ko....
(after a few minutes....)
Just got back from brushing my teeth and washing my face...
Oh no.. just broke one of our good glasses... Sayang, ganda pa naman nun.. natabig ko kasi e.. Ayan tuloy nilinis ko pa yung sahig.. baka may mabubog...
Haay... gtg na, magbabasa na ko dito kung may makita akong magandang mababasa.. nga pala, i bought lyndon gregorio's 5th beerkada book ung Go-Beerkada.. wala lang di ko masyado nagustuhan.. di sya gano nakakatawa unlike the previous books.. I especially like the strips about sadako.. funny hehe
Bye!Ü










1 Comments:
Interested in free business? Learn more at our site on free business.
Post a Comment
<< Home