VIXEN
Do you know what vixen is? Wala lang, kasi eto ung pinangalan ko sa "barkada" ko nung high school... Bakit naka-quote? e kasi we all had our own barkada talaga pero pag nasa St. Eugene kami, palagi eto ang kasama ko.. sobrang natutuwa ako dahil for those 2 years na nagkasama kami (3-St. Augustine and 4-St. Eugene), naging strong naman kami bilang mag-"barkada"... This picture was taken nung christmas party namin nung 3rd year (from L-R: marie, emett, ako, dith, and kitty).. Actually naririnig ko na talaga ung mga names nila nung 1st year pa lang, di ko nga alam kung pano nangyari na nagkasama-sama kami.. Isa lang talga ung naaalala ko.. Bilang a new girl sa isang bagong section, wala talaga akong kakilala kahit isa.. Ay meron pala! Si Donald dahil classmate ko cya from 1st year pa...Anyway, ang natatandaan ko na lang, tumabi ako malapit kina judith.. Nasakto lang na nakatabi ko si marie and sa likod nya yata si kitty tapos si judith and emett yata...

E dun nagsimula ang lahat. Marie often talked to me kahit na hindi pa talaga kami ganun magkakilala... That's just the kind of girl she is. Nakakatawa pa dahil nung time na un, nagka-chicken pox ako... Natawa pa yata cya nun dahil binanatan ko sya na wag nyang kakamutin ung mata nya dahil nahawakan nya ung ballpen ko.. Natakot lang naman akong mahawaan cya nung sakit ko.. Tama naman ako diba?!
But I guess, that was really the reason kung bakit naging ka-close ko si Marie...
ON MARIE
Sobrang friendly tong si marie. Sinabi ko na nga kung pano kami nagkakilala di ba? Sobrang hinahangaan ko tong friend ko na to dahil napakasimpleng tao nito.. Marami yang talento --> paglalaro ng volleyball at basketball, pagsayaw, pagtugtog ng gitara, bass, drums at kung ano2 pa.. In fact, nakabuo kami ng banda niyan. Nung 3rd year, tumugtog kami ng SWAY by Bic Runga sa Battle of the bands (sori nagkamali ako ng lyrics) and EX-GIRLFRIEND by No Doubt nung 4th year naman (sayang di tayo nanalo no?).. Marami akong na-spent na panahon sa pagpunta-punta sa bahay nyan noon. Hehe.. Nambubulabog lang. :D
Pero you know, ang pinakagusto ko dito kay marie, ewan ko, sobrang naa-uplift nya ko from her praises... Di ko makakalimutan nung nag-top 4 ako sa class nung 4th year.. Sobrang proud cya para sa kin talagang binibida pa ko nyan sa mommy nya (naalala ko po un marie.. salamat!Ü).. Tapos nung tumugtog kami nun ng 4th year, ganun pa rin.. Kahit hanggang ngaun dahil recently nalaman ko na pinaparinig pa nya sa friends nya from Miriam ung mga kanta ko na ni-record namin sa UP Saver.. Wala lang.. Nakakatuwa dahil alam kong nandyan lang si Marie (kahit na bihira na kami magkita ngaun) to support me.. Mahal na mahal ko tong kaibigan kong ito... Salamat marie!! (senti daw ba!)
Pero you know, ang pinakagusto ko dito kay marie, ewan ko, sobrang naa-uplift nya ko from her praises... Di ko makakalimutan nung nag-top 4 ako sa class nung 4th year.. Sobrang proud cya para sa kin talagang binibida pa ko nyan sa mommy nya (naalala ko po un marie.. salamat!Ü).. Tapos nung tumugtog kami nun ng 4th year, ganun pa rin.. Kahit hanggang ngaun dahil recently nalaman ko na pinaparinig pa nya sa friends nya from Miriam ung mga kanta ko na ni-record namin sa UP Saver.. Wala lang.. Nakakatuwa dahil alam kong nandyan lang si Marie (kahit na bihira na kami magkita ngaun) to support me.. Mahal na mahal ko tong kaibigan kong ito... Salamat marie!! (senti daw ba!)
ON KITTY
Through Marie, nakilala ko tong si kitty (magkababata kasi sila).. tahimik ang una kong impression dito.. pero kahit ganun yan, no one can deny the charm she has.. Naku daming nagkakagusto dyan.. Bukod sa maganda't matalino na, sobrang sporty pa (sya kaya ang athlete of the year namin nung graduation).. cya lang naman ang aming captainball sa volleyball varsity team.. player din yan ng basketball.. sweet dn tong si kitty palagi pang naka-smile... kahit na tough sportsman yan, sobrang fragile pa rin ang dating.Ü
ON DITH
Si judith e isa rin sa sobrang hinahangaan ko.. Akala mo lang na totomboy-tomboy yan pero ganun lang talaga sya, babaeng-babae pa rin yan.. Need i list kung ano2 ang katangian nitong babaeng ito? O cge:
- Napakatalino. Humakot ng awards to nung high school at pati ngaun nag-grad na cya sa ADMU. big time no? 100% scholar sya dun! Ang maganda dun, humble yang c dith, hindi mo mararamdaman na pinagyayabang nya ang status nya pagdating sa acads.. pag nagkakaproblema ka sa ganung aspect, talagang tutulunga ka nya. I remember nung nagpatulong ako sa kanyang gumawa ng paper.. college na kami nun.. salamat ha..
- Religious. Sobra. Nakaka-inspire nga ung mga sinesend nyang messages sa e-group namin... Alam ko yung mga hirap na pinagdadaanan ni judith, mula acads hanggang pang-pamilya pero never kong nakitang gumive-up yan.. Di pa rin nya kinamumuhian ang Diyos.. Wala lang.. I wish i could be more like you...
- Sobrang bait... Somehow, nakikita ko si judith na isang kaibigan na palaging nandyan para makinig kapag may mga hinaing ka o kahit kwento lang.. Kaya naman kahit di na rin kami gano nagkikita, binabalitaan ko pa rin cya kung ano ang mga nangyayari sa buhay ko.. Nakakatuwa dahil nalalapitan ko pa rin cya para humingi ng advise o nang company.
ON EMETT
Now emett is a different matter.. Medyo di ko talaga gano naka-close ito. Minsan lang hehe.. I guess dahil sobrang napakakulay ng mundyo nya hehe.. She also has the charm na never pang nag-fail sa pagkuha ng attention sa mga boys. hehe.. Pero natutuwa ako dahil may times dn na lumalapit ako dito kay emett and she really gave good advises. Sayang nga lang dahil un nga, hindi naman kami ganun talga ka-close...
Kalaruan din namin to sa volleyball at basketball.Ü
Kalaruan din namin to sa volleyball at basketball.Ü
Medyo may common ba sa min lahat?? Hehe.. Lahat kami e naglalaro ng volleyball at basketball. Hehe.. Kaya siguro we had so much fun nung high school.. Nakakapaglaro kami, tugtugan, at kwentuhan.. Sila marie, kitty at emett ang dahilan kung bakit napasali ako ng Volleyball Varsity.. And i can tell you, it really made my days fun in high school. I was always looking forward to have our vball training after school. Tingnan nyo na lang ung pic nang St. Eugene volleyball team hehe (from upper left-lower right: nars - na suot pa ang shorts ko nung 2nd year ako hehe, tita al, MARIE, choi, danuel, gp, ames, AKO, EMETT, KITTY, yan2, DITH)
Ngaung nasa college kami, hindi na kami gano nagkikita o nagkakausap.. Minsan na lang kapag may okasyon.. Kadalasan pa, si judith lang ang nakikita ko.. Pero ok lang. Because we know, in our hearts di na talaga mawawala yung lahat ng magagandang pinagsamahan namin. Eto nga palang last picture e kuha nung bday ni gil (from L-R: MARIE, KITTY, AKO, choi).. nga pala, cympre c choi na-consider na rin naming barkada. I remember nung time na may swimming kna danuel sa guiguinto, sobrang saya kasi nagkaroon ng time na nagkasama-sama kami ulit. Si choi na lang ang nakikita ko dahil magka-org kami sa UPVC... i hope talaga na sana magkaroon kami ulit ng time na magkakasama.. videoke tayo ulit like last year ba un (sa notre dame day ulit. Ü)VIXEN means a female fox. kami un. VIXENs kami.ÜÜÜ










1 Comments:
musta ka?
nakaka touch naman... sana nga magkasama-sama tayo kahit minsan.
salamat sa blog na ito ha. pagod kasi ako sa trabaho, sobrang daming stressors...
nakakagaan ng pakiramdam...
ingat ka lagi.. lagi lang akong andito pag may kelangan ka...
God bless sa inyo ha..
Post a Comment
<< Home