Image hosted by Photobucket.com

Monday, May 23, 2005

Relasyong Korea-Philippines

Makikita mo nga sa palabas na Can This Be Love? kung ano ang sitwasyon ng relasyong Korea-Pilipinas. Sa movie, gumanap na isang Koreana si Sandara na nagpunta dito sa Pilipinas para makapag-aral ng wikang Ingles. Si Hero nmn, na ika nga'y Proudly Pinoy ayon sa movie, ay isang estudyante na nagtatrabaho part-time bilang isang typist sa University Belt at isang nursing student. Ganyan na tlga ang sitwasyon dito sa Pinas, marami na ang kumukuha ng nursing para makapangibang-bansa. Palaging nababanggit o nae-emphasize na ang mga Pinoy e mas naiisip na mag-abroad dahil maganda nga nmn ang kita doon at mas maayos ang pamumuhay. Kahit nga ang mga doktor dito kumukuha na rin ng nursing db?

Ayon sa nabasa kong article na "The Korean Wave" ni Mylah Reyes Roque, isang Newsbreak contributing writer, marami tlgang koreano ang pumupunta dito. Sabi nga nila, 46,000 ang mga Koreano na nandito. At kung isasama pa ang mga ilegal na nagse-stay dito, aabot daw ng 60,000! Ang dami!

"The Philippines hosts the biggest community of Koreans in Southeast Asia...". Eto daw ang mga Koreano na nagpunta dito para mag-enrol sa isang regular course. Pwde rin na mga student-tourists combining a holiday with a short-term English-language course, honeymooners, Christian missionaries, or businessmen. "Countries like ours, Japan, Malaysia, and Indonesia are going through a "Korean wave" inspired by Korean artists, pop music and the Korean telenovelas."

Gusto daw ng mga Koreano na dito mag-aral dahil d lang sa mababang tuition kundi dahil mas malaki ang chance na makatapos sila dito. Many Koreans prefer to take up medicine courses here. A student of medicine in the Philippines would spend roughly US$5,500 or P300,000 a year while a year's medical study in Korea would cost $10,000 or P550,000. Sa movie, pnakita na nagpunta dito si Sandara para mag-aral ng wikang Ingles.

Doon sa palabas, pinakita nila na ang mga nakababatang Koreano ay sobrang nage-enjoy dito. They keep to their own group, kaya nga siguro nagkakaroon ng culture clash sa mga Pinoy. Bakit nga ba?

Isa daw sa mga dahilan e dahil daw sa kanilang geographic location and bitter history of occupation by Japan, they tend to distrust foreigners. Kaya nga di sila nakikisama sa ibang grupo. Pinakita nga sa palabas na ung mga Koreanong nagpapa-xerox, sila-sila lang ang magkakasama diba? Sa mga Pinoy nmn, sobrang accomodating daw tayo sa kanila dahil nga para silang mas superior sa mga Pilipino. At sympre, nandun din ang kolonyal na mentalidad at diskriminasyon na mas ok ang mga taong mayaman at mas fair skinned.

Sa movie, pinakita na si Hero doon ay naiinis sa mga Koreano dahil mali-mali ang spelling at mababa ang tingin sa mga Pilipino. Pinakita din doon na ang mga Koreano ay paminsang abrasive and ill-tempered kaya nga nandun kagad ang cultural gap. Ginamit lang ng direktor ng palabas na to ang issue na un para magkaroon ng "spark" sa pagitan nila at magkaroon ng dahilan para sila maging magkakilala at magkagustuhan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home