Image hosted by Photobucket.com

Monday, December 26, 2005

BELATED MERRY CHRISTMAS AND ADVANCE HAPPY NEW YEAR!!!

it's been what? a month already since i last posted here? tagal na rin.. hehe.. kaya lang ako nag-post ulit e cympre for an update about me.. (malamang no?)

anyway, ian and i celebrated our first christmas together by going to Tondo.. we visited his hometown. wala lang, sabi ko nga kay ian, for a first timer like me, nakakatakot yung place considering its reputation as really "magulo" and parang nandun yung pakiramdam na hindi mo alam kung ano ang mangyayari kaya dapat alerto ka palagi. hahaha..

i know napasaya ko naman si ian by coming with him.. we went to see his friends and he get to introduce me to them. after that, it's off to the church to hear the 6:00pm mass. Doon kami sa church na kinalakhan nya, ung Don Bosco church. Masaya ako na naisama nya ako dun dahil ino-open na nya ung life before "us" sa kin..

Naalala ko pa pala na habang naghihintay for the mass, nagpunta kami sa isang karnabal.. would you believe P3.00 lang ang entrance? hehe... we played this game, kung na-try nyo nang magpunta sa isang tipikal na karnabal, naalala nyo pa ba yung parang dart game na papaputukin nyo ung lobo? aun.. for P10.00, we were given 5 dartpins.. And guess what, we won!!! hahaha!! alam nyo kung ano yung napanalunan namin? CHEEZE-IT at saka isang FRUTOS (orange flavor to be exact!) hahahaha.. tawa kami ng tawa e. hehe o well, masarap naman ung cheeze-it at frutos hehe..

Ayun, after all those exhausting walks sa pagbahay-bahay namin at pagpunta sa church (believe me, puro eskinita pala sa tondo at sobrang dami ng tao -- maya't maya pa e may nagpapaputok kaya nakaktakot maglakad-lakad dun.. sabi pa ni ian e wala pa un, i should see daw kapag bagong taon o kaya e fiesta), we went to morayta.. before we went home, we ate at yellow cab.. sobrang busog nga kaming umuwi dahil dami naming kinain simula pa nung papunta pa lang kami sa tondo...

I really enjoyed our first christmas together because i got to spend some time with him alone and i really think i made him happy coming with him to see his friends. Not only that, it opened my eyes to a lot of things:

1. i am very lucky considering na marami pa rin talaga sa atin ang naghihirap

2. tondo is not really that magulo. kailangan mo lang talagang lawakan ang pag-iisip mo na in a way, pareho-pareho lang naman tayo, nagkaiba lang tayo ng environment na ginagalawan at minsan, kailangan mo tlgang makibagay sa ganung pagkakataon

3. it really amazes me of how creative and ingenious pinoys are. talagang nagalingan ako kasi nga ang mga bahay2 dun ay dikit2 at maliit kung titingnan mo sa labas pero pagpasok mo sa loob, aba malaki pala. hehe.. nakkatuwa lang dahil napagkasya nila ung mga gamit nila, etc at kahit marami sila sa isang pamilya e ok na ung ganung space. it makes you think how people can really be simple if they want to db?

aun.. nga pala, ian and i resolved to giving "alms" to the poor every christmas. meron kasi kaming naipon ngaung taon na to and naisip namin na ibbgay na lang sa mga matatandang namamalimos... ang saya lang nung pakiramdam na nakatulong kami kahit papaano sa mga nangangailangan. naisip ko kasi, na nakakalungkot na paskong-pasko e namamalimos cla. at nakakapagtaka dahil bakit wala ung mga anak nila para mag-alaga sa kanila.. sana kahit sa pasko lang e maranasan nila ung saya.. kaya nga naisip ko na swerte pa rin tlga tayo...

now i really felt the spirit of christmas.. it's not about making yourself happy, rather, to make others feel it even by just doing small deeds...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home