Patapos na!!!
grabe, finals ko na bukas sa ES 13!! makakapag-bakasyon na rin ako sa wakas!!! sayang tlga d ako exempted... pero keri lang, at least wala akong binagsak na Long Exams. hehe. masaya na po ako nun. Kasi nmn naiinis ako dahil marami dyan ang tingin nila e mahihirapan ako sa ES13. well for your info, madali nga ung ES 13 kung tutuusin e. marami lang akong katangahan na nagwa nung exams kaya d kataasan ung mga nakuha ko. hmmp...
nakakainis tlga. yeah i know sobrang naging delinquent ako last sem pero i believe i already redeemed myself. Kailangan lang tlga nang mga taong magi-inspire sayo para magtrabaho ka nang maigi. Mas ngaun ako naniniwala kung gano kahalaga ang mga taong mage-encourage sayo na kaya mo lahat ng gnagwa mo. Sympre sobrang salamat sa mga taong yon -- mga kaibigan, ang angel ko, mga teachers ko at marami pa...
Tulad na lang last sem, sobrang delinkwente ko. pnagda-drop ako ng teacher ko sa 2 subjects na cya ang nagtuturo. sabi ko nmn babawi ako, pnagbgyan nmn nya ako pero cympre may kasama pang warning. Hindi ko pa pnapasukan ang klas ko nun sa Ar27, dnrop ko pa ang PE ko.. tinatamad kasi akong pumasok nun e. ayun nga..
nalaman ko na lang na ung teacher na un, sinumbong ako sa isa pang teacher... well, hindi nmn tlga sinumbong, nagtanong-tanong lang daw cya kung kamusta na ko as president of UP Arkaira... kaya aun, na-sermonan tuloy ako. naiintindhan nmn daw nya kung sakaling tinatamad tlga ako pumasok dahil sa lakwatsa. sabi ko nmn hindi lang un, sobrang nag-trabaho tlga ako sa org kaya paminsan may times na di ako pumapasok. pero natuwa na din ako dahil sa gnwa nya, tinutulungan nya ko, bnigyan ng advise, ang bait tlaga.... pati sa design class namin nung nakalimutan ko tlgang may esquisse, cnbhan nya ko na pag d umabot ang grade ko, saka lng ako kukuha nang make-up esquisse. kaya nga ung last plate namin, kahit d ko natapos, kinarir ko tlga. kaya aun, pasado pa rin ako...
dun nmn sa 2 klas ko with the same teacher, kinarir ko din. nahihiya nmn ako kasi dahil mabait nmn tlga si sir kung tutuusin... saka with the help of my other teacher, naku! sobrang nagsipag tlga ako... kaya lang d ko pa alam kung pasado ako, wala pa kasi ung classcards nya e... sana ibgay na...
sa PE nmn na streetdance, next tym na lang sguro. at ung AR27 nga, eto ang kapalit, ES13... naku sana pumasa tlga ako. so i could show na sobrang kaya ko nmn tlga, tinamad lang ako... pero pano kaya ako papasa no kung eto ako at gumgwa ng blog entry gayung ang exam ko ay bukas na at 7am??? hahaha...
cge na nga paalam na... babalitaan ko na lang kayo kung ano ang nangyari...
nga pala, ung PanPil 17 ko na tinake ko din ngaung summer (at naging dahilan kaya meron akong blog ngaun) ay sobrang ok.. hehe.. nag-enjoy ako sobra. isa pa to sa naka-inspire sa kin dahil parang lumabas yata ang creative side ko (na hindi normal sa kin) hehe... nung may pasok pa, i was always looking forward na magklase dahil marami tlga akong natututunan.. at para sa kin eto na ung klas na naging ako si ako!! gets!?
sana pwde ulit mag panpil17 -- with the same classmates and the same teacher. hehe. Ü










0 Comments:
Post a Comment
<< Home