I.A.N.
2 weeks na lang, bakasyon na. Para sa akin, wala din namang pinagkaiba dahil marami pa rin akong gagawin para sa thesis kahit na sembreak. Para kay ian, wow, graduate na siya! Sa october 4, wednesday, final thesis deliberation na nila ni kelvin. I can't help but think how proud i am na ga-graduate siya nang maaga... Yes, medyo nalulungkot ako dahil malamang after nyang grumadweyt, maghahanap na agad siya ng trabaho, at malamang hindi na kami madalas magkakasama.. Pero syempre dapat ok lang un..
Tuwing nakikita ko siya, sobrang natutuwa ako para sa kanya. Para sa kin, sobrang ideal ni ian... mabait na anak, mabait na kaibigan, mapagmahal, totoo, simple, mapagkumbaba at kung ano-ano pa. Sobrang nabibilib ako sa kanya at totoo, ginagawa ko siyang inspirasyon.. Whenever i'm with him, i always think i can also be great like him.. Natutuwa ako na makita na never siyang nagka-cram, at palaging ahead siya mag-aral. Sobrang focused siya sa pag-aaral nya na sometimes, i feel bad because inuubos ko ang oras niya.. At un nga, nahihiya ako na siya itong sobrang sipag at dedicated, samantalang ako ni hindi ko alam kung anong mga dapat na pagtuunan ko nang pansin. Sobrang nagpapasarap lang ako sa buhay -- un ang palagi kong naiisip. At tuwing nase-stress ako na dahil din naman sa kin, naaabala ko tuloy si ian. Tinutulungan nya ako sa mga dapat kong gawin...
Ian, thanks for the understanding and the love you're always giving me. Thanks for all the concern, and for all the care... I'm so proud of you... Goodluck sa thesis, and i hope you'll (and i know u will) become successful in everything you do..










1 Comments:
OH OH OH!!! haha.. thanks for giving me credit for the drawing (though i can hardly remember it) ..sulat ko ba yan nung retreat nyo? haha.. i was googling my name when i came upon your blog.. nice! thanks for keeping it.
-- jp
wala lang.. katuwa. :)
Post a Comment
<< Home