Image hosted by Photobucket.com

Friday, July 22, 2005

I Feel So Young..

I'm twenty-one years old. But if you look at me, i don't look like one. And honestly, i don't feel like one either. I guess when you already reached the age of twenty and above, you start to think things through. What are your priorities? What do you want in life? What is good and what is bad?

Sometimes, I actually find myself thinking about those things. What do I really want in life? Before, naiisip ko na magkaroon lang ako nang ganitong gamit, or makapunta ako sa mall para manood ng sine e ayos na. Now, i feel disgusted na sobrang naging materialistic na akong tao. And tuwing may makikita ako na taong ganun, di ko maiwasan na mainis. Parang ang shallow na sa kin nang ganun. What do we gain from having those things di ba? or doing something na hindi naman talaga kailangan? And hindi ko maintindihan kung bakit kahit na ilang beses ko nang tinatanong to sa sarili ko, i still find myself doing those kind of things.

Sobrang nag-iisip na tlga ako, i guess. Hindi ko nga alam kung ano ba ang ginagawa kapag ang mga tao e umabot na sa edad na bente-uno. Sabi ni IC, ang pagtingin sa RESPONSIBILITY ang mahalaga na magbago. I actually feel na parang mas matanda sa kin si IC kahit na ngaun, 2 taon ang tanda ko sa kanya (he will be turning 20 this 20th of August).

Naluha ako kanina. Siguro dahil sa naisip ko na sobrang delinkwente na talaga ako. Sobrang childish and immature. Mali ang mga priorities ko. Mali ang mga pinagkaka-abalahan kong mga bagay. Inuubos ko ang oras sa mga bagay na masaya nga pero hindi naman talaga kailangan... Naiisip ko na kung dapat ko na talagang harapin ang responsibilities ko, nangangahulugan na kailangan kong iwan ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kin.

Sabi sa kin ni IC, hindi naman porke't seryoso na sa mga bagay, e hindi na masaya. You can still be happy kahit na ginagawa mo pa rin ang kailangan mong gawin. Ang dami ko talagang natututunan sa kanya. Yun nga lang, talagang napapamukha sa kin na napakawalang-kwenta kong tao... Haay...

Gusto kong magbago... para sa kanya... at lalo na para sa sarili ko....

0 Comments:

Post a Comment

<< Home